Aheadguide

Plan Ahead

LIfestyle Check sa isang Kawani ng Gobyerno

Leave a comment

Sa pagkapanalo ni Pnoy bilang Ika-15 Presidente ng Pilipinas nag-utos sya na imbestigahan ang lahat ng kawani ng Gobyerno na namumuhay ng marangya. Kaya’t inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Pedro na karaniwang empleyado lang ng gobyerno pero buhay milyonaryo. Dumating si Pedro kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Pedro, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang Corrupt o maaring drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay karaniwang empleyado lang ng gobyerno pero buhay milyonaryo. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyong milyong pera.

Pedro: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Pedro ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Pedro.

Pedro: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Pedro ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Pedro.

Pedro: Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Pedro. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Pedro at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa rin ng tawa si Pedro.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Pedro: Sir, Natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaaaaaaaahhhhh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *